“Kakampi”
Gloc-9, Abaddon, Hero
Gloc-9 verse
Ramdam ko ang nasa loob, tandaan mo ang ikaw ay ako
Ang pangako'y pang-hawakan mo dahil sumpa ko yan sa'yo
(Ako'y kakampi mo)
Kapag ayaw ko nang tumaya, ikaw ang meron ko sa wala
Mahahanap kahit pumikit, mabulag man ay makakapa
Bingi ma'y ngalan mo lang ang tunog, laman ng pusong lumalagabog
Ikaw ang siyang tanging sumasagip, sa ganda mo ako'y lumulubog
Alam kong hindi madali, tanaw ko kung sa'n ka nang-gagaling
'Pag naligaw ay uuwi lagi sa pag-mamahalan natin
Chorus
Malalampasan din natin ang lahat ng 'to
Walang hindi kaya, basta tayo'y mag-kasama
Pahinga lang saglit, huminga't pumikit
Tapos laban ulit, gano'n tayo kalupit
Mas madaling lumaban
Mas matindi 'pag tayo ay mag-kakampi
Abaddon verse
Hindi mo maitatago sa'kin ang takot sa'yong mga mata
Ano ka ba? ramdam na ramdam kita
Pa'no kung 'to na yung dulo? kahit pa na mag-tulungan tayo
Alam kong duda ka din minsan
Ang dami mong tanong, na simple ang sagot
Walang bibitaw, yan ang usapan, 'lagi lang palag
Oh huwag kang kabahan, 'di ka pababayaan
Eh ano kung madapa, mahalaga ay mag-kasama
Kahit sa'n pa tayo dal'hin ng mga desisyon
Tama o mali man, ating panindigan
Ilang beses na tayong sinubukan
Kaya 'di para sukuan, tagusin nating sabay ang kabiguan
Chorus
Malalampasan din natin ang lahat ng 'to
Walang hindi kaya, basta tayo'y mag-kasama
Pahinga lang saglit, huminga't pumikit
Tapos laban ulit, gano'n tayo kalupit
Mas madaling lumaban
Mas matindi 'pag tayo ay mag-kakampi
Hero verse
Ilang beses na ba tayong sinubok ng tadhana?
Nabibigo, nalilito pero ang mahalaga nandito parin
Gano'n tayo katibay
Walang hindi kakayanin, lalo no'ng inalay ang buhay mo sa'kin
Walang ibang hangarin kung'di ang makabawi at tabihan ka sa
Mga oras na kinakailangan ng karamay sa kalungkutan
Nandito ako para malapitan, sa hirap o ginhawa asahan
Kasama mo 'ko sa kaduluduluhan, huwag kang mangangamba
Huwag kang mag-alinlangan
Hanggang sa magawa nating permanente ang panandalian na kaligayahan dahil
Chorus
Malalampasan din natin ang lahat ng 'to
Walang hindi kaya, basta tayo'y mag-kasama
Pahinga lang saglit, huminga't pumikit
Tapos laban ulit, gano'n tayo kalupit
Mas madaling lumaban
Mas matindi 'pag tayo ay mag-kakampi
Outro
Mas madali 'pag tayo ay mag-kakampi
Tayo'y mag-kakampi
Follow Universal Records on social media!
YouTube - https://www.youtube.com/@universalrecph
Facebook - https://www.facebook.com/universalrecordsph
TikTok - https://www.tiktok.com/@universalrecph
Instagram - http://instagram.com/universalrecordsph/
X - https://x.com/universalrec_ph
Follow Gloc-9 on social media!
Instagram - https://www.instagram.com/glocdash9/
TikTok - https://www.tiktok.com/@glocdash9
Facebook - https://www.facebook.com/glocdash9/
YouTube - www.youtube.com/@Gloc9official











