BDO NETWORK BANK, EASY TIPS PARA MAPALAGO ANG IPON.
Bigyang halaga ang pag-iipon sa bangko para laging handa sa oras ng
pangangailangan.
Kaliwa’t
kanan ang advice tungkol sa pag-iipon. Pero para sa iba, madaling sabihin pero
mahirap gawin. Huwag mag-alala, narito ang 5 na practical tips para mapalago
ang iyong ipon at guminhawa ang buhay mo.
1.
Dapat consistent ang pag-budget at pag-manage ng gastos
Ugaliing
gumawa ng budget para sa iyong mga gastusin buwan-buwan. Mahalagang nakaplano
kung saan mapupunta ang kita mo.
Maraming
paraan, para ma-monitor ang gastos mo. Pwedeng mag-download ng app sa phone
gaya ng “budget tracker” o “money manager.” Kung gusto mo naman ng personalized,
gumawa ng sariling listahan sa iyong phone. Pwede ka din gumamit ng notebook.
Basta kung saan ka komportable, yun ang gawin mo. Mahalagang makita kung pasok
pa din sa budget ang mga ginagastos mo.
2.
Alamin kung ano ang needs vs wants
Bago
bilhin ang isang bagay, tanungin muna ang sarili, “Kailangan ko ba talaga ito?”
Minsan kasi ang mga “wants” ay nagiging “needs” pag hindi nasusuring mabuti.
Alamin
mo ang iyong priorities. Ano ba ang mga
bagay na mahalaga sa iyo? To do this, gumawa ng top 10 list ng mga bagay na
kailangan mo. Tignan at ayusin ito base sa pinaka-importante at hindi gaanong
importante.
Base
sa listahan, makikita mo kung ano talaga ang kailangan at dapat unahin.
3.
Mamuhay ayon sa iyong kinikita
Always
aim to live within your means. Sa panahon ngayon, mahalaga maging praktikal.
Kung hindi kaya ng budget, huwag nang ipilit.
Hindi
kailangang makipag sabayan sa magagarang bagay na nakikita sa social media.
Pwede ka naman maging cool at fashionable kahit na hindi branded ang mga gamit
mo. Ang importante ay confident ka.
4.
Simulan mag-ipon ngayon and make it a habit
Kahit
na magkano pa ang kita o sweldo mo, pwede kang makaipon ng malaki kung
sisimulan mo ngayon. Iwasan gastusin lahat ng bonus o kita, at maging one-day
millionaire.
Subukan
mo muna sa malit na halaga. Halimbawa, yung 100 pesos araw-araw, pag inipon mo
mula ngayon hanggang December, pwedeng umabot ng 30,000. Para hindi mo magalaw
ang inipon mo, mas mainam at secured pa kung mag-o-open ng savings account sa
bangko.
Isa
si Coco Martin, brand ambassador ng BDO Network Bank, na naniniwala sa
importansya ng saving. Bata pa lang sya, tinuruan na siya ng kanyang lola na
mag-ipon. Kaya naman hanggang ngayon handa sila sa mga hindi inaasahang
panahon, tulad nitong sitwasyon ng pandemya.
Ayon
kay Ramon T. Militar ng BDO Network Bank Community Banking Network Group,
makakatulong kung ikaw ay may dalawang bank accounts. Isa para sa iyong sweldo,
isa para sa iyong ipon.
5.
Mag-loan lang ng halagang kailangan
Huwag
madala sa mga nag-o-offer ng malaking loan. Bago mag loan, sagutin mo muna ang
mga tanong na ito:
a. Ito ba talaga ang kailangan kong
halaga?
b. Kaya ko ba ito bayaran on time?
c. Ang pagkuha ko ba ng loan ay para
sa negosyo na kumikita, or di kaya ay sa bagay
na tumataas ang value, gaya ng lupa?
Kailangang
pinagpaplanuhan din ang pag-loan para maingatan ang inyong credit status. Kung
binabayaran mo ang loan mo on time, mas madaling makapag-loan ulit in the
future. Ayon kay Alberto O. Quiogue ng BDO Network Bank Salary Loans Group, ang
loan ay para matulungan ka at hindi para mahirapan ka. Iwasan ang loans para sa
luho para hindi mabaon sa utang.
Maaaring
bisitahin ang BDONB Facebook page (https://www.facebook.com/BDONetworkBankPH) o
ang BDONB website (https://www.bdonetworkbank.com.ph/)
para malaman kung anong produkto at serbisyo ang tama para sa pangangailangan
mo.
About BDO
Unibank, Inc.
BDO is a
full-service universal bank that provides a wide range of corporate and retail
banking services. These services include traditional loan and deposit products,
as well as treasury, trust banking, investment banking, private banking, rural
banking, cash management, leasing and finance, remittance, insurance, retail
cash cards, and credit card services.
BDO has the
country’s largest distribution network, with over 1,400 consolidated operating
branches and more than 4,400 ATMs nationwide.
It also has 18 overseas remittance and representative offices (including
full-service branches in Hong Kong and Singapore) in Asia, Europe, North
America, and the Middle East.
BDO ranked
as the largest bank in terms of total assets, loans, deposits, and trust funds
under management based on published statements of condition as of December 31,
2020. For more information, please visit www.bdo.com.ph.