Showing posts with label Leyte. Show all posts
Showing posts with label Leyte. Show all posts

January 13, 2015

Pope Francis' Apostolic Visit to the Philippines - Message of President Aquino on the preparations for the visit of Pope Francis

The country prepares and getting ready for Pope Francis' Apostolic Visit to the Philippines on January 15 to 19, 2015.

President Aquino will meet His Holiness upon arrival and during a welcome ceremony at Malacañan Palace. On Saturday, Pope Francis will travel to Tacloban City, where he will meet with Typhoon Yolanda survivors.

In view of the visit of the Pope, the Head of State of the Vatican City, President Benigno S. Aquino III appeal to the public to cooperate with authorities to ensure His Holiness’ safety.

Yesterday, President Aquino addressed the nation regarding the government's preparations for the visit of Pope Francis.



Mensahe ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Hinggil sa pagbisita ng Santo Papa 

[Inihayag noong ika-12 ng Enero 2015]

Mga Boss, malaking karangalan po ang pagbisita ng Santo Papa sa ating bansa; kaakibat nito, humaharap din po tayo sa isang malaking hamon. Tingnan na lang po ninyo noong 1995 nang idinaos ang World Youth Day sa ating bansa, na pinamunuan ni Pope John Paul II. Punong-puno ang Luneta at dikit-dikit ang mga tao. Dagdag ko lang po: ganito na kapuno noon nang 68 million ang populasyon natin; ngayong 100 milyon na tayo, gaano karami pa kaya ang darating sa misa ni Pope Francis sa Luneta?

Siyempre po, lahat ng tao, gustong makita nang personal ang Santo Papa. Nariyan ang libo-libong mag-aabang sa convoy ng Santo Papa, at ang milyon-milyon na lalahok sa Luneta. Ang pagsisiksikan at pagkagigil na makalapit sa Santo Papa, maaaring maging mitsa para magkagulo. Isipin na lang po ninyo: Kapag maraming tao ang kumilos nang kahit isang pulgada paharap, malaking espasyo ang masasakop. Kung wala nang lugar na gagalawan, malamang ay may maiipit sa mga barikada. Nagsimula lang po ang lahat ng iyan sa kagustuhang makalapit sa Santo Papa.

Paano pa kaya kung magkahabulan dahil sa may mandurukot? O kaya may isang walang magawa at biglang magpaputok ng labintador? Pihadong magtatakbuhan at magkakatulakan, at nariyan ang potensiyal na marami ang masaktan.

Pansinin din po ninyo: disiplinado ang tao noong wala ang convoy; nang dumating po ang convoy, kanya-kanya na. Kung nagtagumpay ang mga nakaharang na makalapit sa Santo Papa, at tumigil ang convoy, ang dating moving target naging stationary target na. Isipin ninyo kung may nadaganan pa, o kaya naapakan dahil sa pag-uunahan. Di naman kailangang may mapahamak na sinuman.

Tingnan na rin po ninyo ang video na ito: inatake si Pope John Paul II sa loob mismo ng Vatican. Nariyan din ang insidente nang magmimisa si Pope Benedict XVI, nang sunggaban siya sa loob ng katedral; pati na rin ang paglundag ng mga tao patungo sa kanyang pope mobile.

Tandaan po natin: Pastoral visit ito, at layon ng Santo Papa na makahalubilo ang pinakamarami sa ating mga kababayan. Ang bawat pagtatagpo ay nagdadala ng panganib. Ang gusto natin: Bawasan ang mga panganib sa buhay ng Santo Papa, at balansehin ang seguridad ni Pope Francis at ang kanyang hangarin.

Walang duda na sa malaking pagtitipon tulad nito, posible ang gulo. Maski walang banta ng terorismo, at lalo na kung may planong magpasimula ng gulo, nagbabadya ang peligro na magdadala ng pinsala sa napakaraming lalahok.

Kaya naman, para maging makabuluhan ang pagdalaw ng Santo Papa, kailangan natin ng pagdadamayan at pagbabayanihan. Malinaw na napakalaki ng hamong dala ng pagbisita ni Pope Francis sa ating bansa; nakataya rito ang kaligtasan niya, ng nakaparaming dadalo sa kanyang mga gawain at mag-aabang sa kanya. Ang mismong karangalan ng ating bansa, malalagay sa alanganin. Ang tanong ko nga po: Gusto ba nating matala sa kasaysayan na nangyari sa Pilipinas ang isang trahedya na may kinalaman sa Santo Papa?

Obligasyon ng gobyerno ang inyong kaligtasan, at para magampanan ang tungkuling ito ay may obligasyon din kayo. Sa mga darating na araw, maglalabas ng mga paaalala hinggil sa patakarang panseguridad sina Secretary Mar Roxas at Undersecretary Manuel Bautista. Ang panawagan po namin: Makinig po tayo, at makiisa sa pagbabahagi ng impormasyon.

Pihado po: Malalaktawan natin ang napakalaking hamon na ito sa inyong pakikisama at pagbabayanihan.

Ipakita po natin ang pakikisama at pagtutulungan, nang matiyak nating magiging mataimtim at mapayapa ang pagbisita ni Pope Francis sa ating bansa.

Magandang gabi po, maraming salamat, at inaasahan ko ang pakikiisa ninyo.


March 29, 2014

Sta. Fe , Leyte students, barefoot no more

More than a thousand barefoot kids and children in tattered shoes and worn out slippers marched toward the expansive school grounds of the Sta. Fe Central School, the biggest school in this district, last Tuesday morning, they diligently fell in line behind designated scouts who carried their special “numbers.”

Unmindful of the searing pre-noon heat, the students came from the 17 schools of Sta. Fe who were chosen to receive premium slip-ons from Skechers donated through Operation Blessing Foundation Philippines.

Before it reached the school, volunteers painstakingly went through the list earlier submitted by the teachers, ensuring that they had the right sizes and carried the huge cartons containing the Skechers slip-ons toward the delivery vans en route to the school.

Representatives from the Youth with a Mission (YWAM), to spice up the occasion, even presented a brief puppet show to the delight of children.

The distribution of the Skechers slip-ons was both fun and tedious. Trying the slip-ons to each and every student was a daunting task. But the reward came from the sincerest “Thank Yous” from the students, a tight hug, a big smile and the happy races of some of the students as they clutched their new pair of shoes while othes waved them on air.

Mrs. Rosario Buena, district supervisor of the Sta. Fe district which covers 17 schools and 3,999 total school population, said that the students were eagerly looking forward to this day when they would receive and bring home new pairs of footwear.

“Wala na kasi talaga silang gamit na sapatos. Tinangay ni Yolanda ang lahat ng kanilang mga gamit, mula bahay, damit, school supplies at mga sapatos. Noong sabihan ko sila na magbibigay ang Operation Blessing ng sapatos sa kanila dahil may donasyon ang Skechers, sobrang tuwa ng mga estudyante (The students do not have any more shoes left to use. Yolanda washed away everything that they had from their homes, clothes, school supplies, and their shoes. So, when I told them that Operation Blessing will be giving them shoes coming from the donation of Skechers, the students were so happy),” Mrs. Buena said.

She added that the new slip-ons meant a lot to the students, especially since most of them now come to school in tattered shoes and slippers, while some even go to school barefoot.

Mrs. Buena added that the new pairs of slip-ons signified new hope for the students and a validation that help will continue to come and that better days are bound to come.

She also thanked Operation Blessing for the simultaneous feeding programs being conducted in the different schools of the district which have motivated more students to regularly attend their classes.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
enjoying wonderful world