September 1, 2012

Mar Roxas replaced Jesse Robredo as DILG Secretary


President Benigno S. Aquino III appointed Transportation and Communications Secretary Manuel Roxas II as the new head of the Department of Interior and Local Government, replacing Secretary Jesse Robredo who died in a plane crash off the coasts of Masbate on August 18. 

Aquino expressed his full confidence on Roxas saying, "Sa kanya ako nagtiwala: Anuman ang mangyari, alam kong itutuloy ni Mar ang mga ipinaglalaban natin, at oras na hingin nating sumabak siya sa anumang giyera, hindi niya tayo bibiguin. (I trust him: Whatever happens, I know Mar will continue what we are fighting for, and when we ask him to go to war, he won't disappoint us.)" 

Statement of Secretary Mar Roxas on his appointment as the Secretary of the Interior and Local Government, August 31, 2012.

Pahayag ni Manuel A. Roxas II:

Sa kanyang pagkakahirang bilang Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal
[Ika-31 ng Agosto 2012]

Unang-una, nagpapasalamat po ako sa Pangulong PNoy sa patuloy na tiwala na ipinagkaloob niya sa akin. Gagawin ko ang lahat upang hindi mabigo ang Pangulo at ang sambayanan sa tiwalang ito.

Napakalaki, napakalawak, napakaselan at mabigat ang responsibilidad ng pagiging Kalihim ng DILG. More than this, I have big shoes, or big tsinelas, to fill. Hindi po ako si Jesse Robredo. Kumpara sa kanya, marami po akong mga kakulangan. Subalit maaasahan po na gagawin ko ang lahat, sa abot nang aking makakaya, upang bigyang respeto ang legasiya ni Sec. Jesse. Magiging gabay ko ang kanyang alaala habang tinutupad ko ang mga tungkulin bilang Kalihim ng DILG.

Pabubungahin ko ang kanyang mga itinanim. Kasama na diyan ang pagbabalik niya ng respeto at dignidad sa mga ordinaryong mamamayan at sa buong sambayanan. Transparency, accountability, iyong people empowerment—iyong pagsasali ng pangkaraniwang tao sa mga desisyon ng pamahalaang lokal at pati na rin sa pamahalaang nasyonal—ang mga hallmarks ng liderato ni Sec Jesse; at lahat ito ipagpapatuloy po natin.

Nagpapasamat din ako kay Ma’am Leni sa suporta at kumpiyansa na ipinaabot niya sa akin. Makakaasa po siya at ang kanyang pamilya na hindi mababalewala ang mga itinanim ni Sec Jesse sa kanyang trabaho sa pagiging Kalihim ng DILG.

Nagpapasalamat din po ako sa DOTC family sa lahat ng kanilang trabaho na ipinakita nitong nakaraang higit sa one year, at masasabi ko po kay incoming Secretary Jun Abaya na mayroong mahusay na team diyan sa DOTC na gagawin ang kanilang trabaho para maging mas magaan ang kanyang pagpasok sa ahensyang ito.

Muli, nagpapasalamat po ako sa tiwala ng Pangulo. I continue to serve at his pleasure. Habang tinitimon ng Pangulo ang barko ng bansa, karangalan ko po na makisagwan, sa pagtulong sa kanyang agenda.

Maraming salamat. Magandang hapon.

No comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
enjoying wonderful world